Jack's Journey

Tuesday, January 4

miss ko na mama ko

habang naghihintay na maging kulay pula ang traffic light di sinasadyang makakakita ng isang matandang babae na aksidenteng nadapa...nais ko syang tulungan ngunit naunahan na ako ng mga kalalakihan na tumulong upang itayo ang matanda.

di ko alam kung anong nangyari sa akin at bigla akong muntik maiyak at may kumurot sa aking puso ng makita ko ang matandang babae marahil ay naalala ko ang aking mama... bigla akong naalala kung okay lang ba ang aking mama at papa...pano kung sakaling sila ang nadapa may tutulong din kaya sa kanila..(hwag naman sanang mangyari!)...

naalala ko tuloy noon nung ako'y limang taong gulang palang...lagi akong sinasama ng mama ko na mamasyal at mamalengke(lagi akong kasama kasi ako ang paboritong apo!!!!hehehehe)..habang pauwi na kami galing palengke, sa di sinasadyang pagkakataon ay napada ang mama ko...sa murang edad ay di ko alam ang gagawin ko, ang aking natatandaan na lamang ay umiiyak ako habang pilit kong tinatayo ang mama ko...iyak ako ng iyak kasi di ko kayang itayo mama ko at hirap na sya maglakad dahil masama ang pagkabagsak nya...sa pangyayari na yun di ko natandaan kung paano kami nakauwi...(kapag naaalala namin yan ng mama ko..natatawa na lang sya.)

sa ngayon, umiiyak ang aking looban dahil ala akong magawa dahil nais ko na silang makasama at ako na sana ang mismong mag-alaga sa kanila habang sila ay tumatanda...mapagsilbihan ko man lamang sila kahit sa kaunting panahon habang sila ay nabubuhay....

mahal na mahal ko mama at papa ko....


1 Comments:

  • jack, nakaka-touch! pag nakakakita rin ako ng mga nakatatanda na nagbibiyahe mag-isa -- yung sumasakay mag-isa sa jeep o bus tapos hirap na hirap pa, iniisip ko bakit sila nagagawang pabayaan ng mga anak o apo nila, di ba?!

    By Blogger min, at 8:15 PM  

Post a Comment

<< Home