Jack's Journey

Monday, January 17

2000 Diary

while im in my small room thinking of things to do...accidentally, i saw my diary of 2000.(not actually a diary kasi nasimulan ko lang di naman natapos)...and to think ang nakasulat lang yata dun eh yung new year resolution ko at mga 4 days activities ko ng january. when im reading it medyo napangiti ako...well, parang kailan lang ung mga panahon na yun(i was 3rd year college by that time)... and when i check my new years resolution na hanggang ngayon baka kailangan ko pa rin syang new years resolution kasi di ko pa rin nababago...but I'm proud to say that when i list down my objectives for that year eh kahit paano natupad ko naman....just want to share my my new years resolution and my objectives last 2000 well kayo na ang mag-judge kung natupad ko...

here's my new year's resolution last 2000
*iwasan pagiging gastadora
*gumising ng maaga kapag may klase para hindi ma-late
*give an extra time sa pag-aaral
*matutong magreview ng maaga bago mag-examination day.
*iwasan pagiging supladita(pero hindi ko yata kaya kasi nature ko na yun)
*iwasan ang pagpupuyat
*matuto ng time management
*iwasan ang tulog ng tulog

hahahahaha....you know guys??? kahit ako natatawa ng mabasa ko ulit yang nasulat ko noon... medyo nature ko na yata yang mga sinulat ko noon na hanggang ngayon ay di ko mabago...tulad ng pagiging gastadora,supladita,late gumising, magpuyat, tulog ng tulog at ang mga cram palagi...napapaghalatang tamad akong magreview noong nag-aaral pa ako..lagi nalang on the day of exam ako nagrereview...tapos time management???that time working student ako and the same time preparing for my thesis...buti nakaraos naman khit medyo mahirap maging studyante na magthe-thesis at the same time may work ka pang iniintindi. simple lang ang new year's resolution ko noon pero ang hirap tuparin...kaya di na ako gagawa ng new year's resolution...you dont need na mag-new year para magbago...kaya dapat unti unti ko nalang baguhin mga bad habit ko...

pero eto ang dapat kong gawin every year...ang mag-set ng objectives ko..like what i did last 2000.

here's my objective last 2000
*to finish my studies(as soon as possible)
*i want to be with my grandparents in california
*after graduation, i want to have a good job to support all the needs of my family. ang matupad ang pangarap ko para sa kanila.

by that time, primary objective ko talaga ang makatapos agad...tpos makahanap agad ng okay na work... medyo that time takot pa ako na hindi ko makuha yung work na gusto ko sa daming kompetensya na fresh grad and to think im not from a well known and expensive school...pero ika nga nila "thing positive"..lagi kong sinasabi sa sarili ko ala sa school yun nasa tao yun....well, simpleng pangarap na makapagtapos ng pag-aaral at munting lakas ng loob ang aking baon para matupad din ang aking mga simpleng pangarap....at least naka-2 out of 3 ako sa objectives ko noong 2000...pero tingin ko 1 1/2 lang...di ko pa kasi natutupad pangarap ko for them...

well, i'm just wondering bakit kaya di ko nailagay sa objectives ko noong 2000 ang magkaboyfriend????hahahaha...ala pa talaga sa isip ko ang magkaboyfriend that time.... masyado akong focused sa mga pangarap ko noon kaya nawala sa isip ko....

now, i need to set my objectives para meron akong reference next year kung may accomplishment ako...because by now its hard to distinguish your accomplishments when you are working and in the real world....di tulad nung nag-aaral ka maka-100 ka lang sa exams masaya na ako at makakuha lang ng award after school year at graduation masasabi mo na mission accomplished ka na ngayon iba na....ang hirap para masabi mo sa sarili mo at sa iba na may accomplish ka sa work mo unless napromote ka o mabigyan ka ng increase sa salary mo....

before i end this blog, i need to have my happy thoughts.....im just going to dream na magkabahay, kotse at magkabusiness ng sarili at makapaglakbay sa kalawakan(hehehehe)...samakatuwid sana yumaman ako..... ala ng kokontra.... sana tumama nalang ako sa loto(hehehehe..khit di ako tumataya...)...libre naman mangarap eh...

basta...i'll keep dreaming for me to strive hard... =>


Tuesday, January 4

miss ko na mama ko

habang naghihintay na maging kulay pula ang traffic light di sinasadyang makakakita ng isang matandang babae na aksidenteng nadapa...nais ko syang tulungan ngunit naunahan na ako ng mga kalalakihan na tumulong upang itayo ang matanda.

di ko alam kung anong nangyari sa akin at bigla akong muntik maiyak at may kumurot sa aking puso ng makita ko ang matandang babae marahil ay naalala ko ang aking mama... bigla akong naalala kung okay lang ba ang aking mama at papa...pano kung sakaling sila ang nadapa may tutulong din kaya sa kanila..(hwag naman sanang mangyari!)...

naalala ko tuloy noon nung ako'y limang taong gulang palang...lagi akong sinasama ng mama ko na mamasyal at mamalengke(lagi akong kasama kasi ako ang paboritong apo!!!!hehehehe)..habang pauwi na kami galing palengke, sa di sinasadyang pagkakataon ay napada ang mama ko...sa murang edad ay di ko alam ang gagawin ko, ang aking natatandaan na lamang ay umiiyak ako habang pilit kong tinatayo ang mama ko...iyak ako ng iyak kasi di ko kayang itayo mama ko at hirap na sya maglakad dahil masama ang pagkabagsak nya...sa pangyayari na yun di ko natandaan kung paano kami nakauwi...(kapag naaalala namin yan ng mama ko..natatawa na lang sya.)

sa ngayon, umiiyak ang aking looban dahil ala akong magawa dahil nais ko na silang makasama at ako na sana ang mismong mag-alaga sa kanila habang sila ay tumatanda...mapagsilbihan ko man lamang sila kahit sa kaunting panahon habang sila ay nabubuhay....

mahal na mahal ko mama at papa ko....